top of page

“New Normal Bill” Inihain na sa Kamara

Isusulong sa kamara ang panukalang batas na ‘New Normal Bill’ o Bagong Normal na pamumuhay sa susunod na tatlong taon sa gitna ng coronavirus pandemic.

Inihain ni Speaker Alan Peter Cayetano kasama ang pitong iba pang mambabatas ang House Bill 6623 o ang proposed “New Normal for the Workplace and Public Spaces Act of 2020”.

Nakapaloob sa nasabing batas ang mga posibleng maipatupad pagkatapos tanggalin ang COVID-19 restrictions gaya social distancing at iba pang safety measures ng pamahalaan, pribadong establisyemento at institusyon.

Kabilang din sa protocol na nakapailalam sa house bill ay ang pagsusuot ng face mask, paglalagay ng handwashing at sanitizing stations sa mga pampublikong lugar, temperature checks at physical distancing na isang metro ang layo sa mga pampublikong lugar ay ilan lamang sa mga protocols na nakapailalim sa House Bill.



bottom of page