‘New Normal’ sa mga Tanggapan, Aprubado ng IATF

Updated: May 9

Inaprubhan na ang ‘interim workspace guidelines’ na isinumite ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa Inter-Agency Task Force (IATF) sakaling ipatupad na ang General community quarantine (GCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakapaloob sa guidelines ang ‘alternative work arrangements’ gaya ng working hour shifts, work from home at rotation basis sa mga empleyado.

Kabilang din ang limitadong bilang ng mga empleyado sa loob ng isang pagpupulong kaya’t hinihikayat ang paggamit ng online system para sa mga video conferences at mga kliyenteng nangangailangan ng assistance mula sa mga opisina.