top of page

‘New Normal’ sa Wedding Ceremony ng Simbahan, Ipatutupad

Pansamantalang babaguhin ng Archdiocese of Manila ang nakasanayang seremonya ng kasal sa katoliko at may protocols na dapat sundin sakaling payagan ang muling pagbubukas ng mga simbahan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Monsignor Broderick Pabillo, sa ilalim ng protocol ay pansamantalang aalisin ang bridesmaids sa entourage ng kasal, tanging ang isang set ng sponsors, miyembro ng immediate family ng ikakasal at limitadong bilang ng bisita lamang ang pwedeng makasaksi sa ipagdaraos na seremonya ng simbahan.

Dagdag pa ni Monsignor Pabillo, asahan ang mga pagbabago sa religious activities lalo na ang tradisyonal na seremonya ng kasal, binyag at iba pa.

Sakop ng Archdiocese of Manila ang lahat ng katolikong simbahan sa buong Metro Manila partikular na ang Manila, Mandaluyong, Pasay, Makati at San Juan.



bottom of page