New Rules ng MIAA para sa ‘NEW NORMAL’, Ipatutupad Na

Pinaghahanda na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga bagong polisiya o guidelines para sa tinatawag na ‘new normal’ ng mga pasahero at mga empleyado nito.

Sa isang panayam kay General Manager Ed Moreal, Handa na ang mga patakaran o gabay sa paliparan na dapat sundin ng mga pasahero kapag tuluyan nang tinanggal ang travel restrictions.

Mayroon na ring acrylic barriers sa mga check-in counters ng NAIA terminal 1 para maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang COVID-19.

Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan ang MIAA sa Inter-Agency Task Force para sa nararapat na Personal Protective Equipment o PPE para sa proteksyon ng kanilang mga empleyado.