New Year’s Eve Festivities sa Rio De Janeiro, Kinansela Ngayong Taon


2019 NYE on Copacabana Beach, Rio De Janeiro

Kinansela ang taunang selebrasyon ng New Year’s Eve sa Rio de Janeiro kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng mga tao sa sikat na Copacabana Beach na kilalang puntahan ng mga tao sa Brazil matapos ang naging pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Mula sa pahayag ng City government office ng Rio de Janeiro, bagama’t opisyal nang kinansela ang naturang pagdiriwang ay pinagplaplanuhan kung maaring ipagpatuloy ang selebrasyon sa isang virtual na pamamaraan.

Umabot na sa higit 80,000 ang bilang ng mga nasawi sa buong Brazil mula sa nakahahawang sakit na patuloy lumalaganap sa buong mundo.

Nakasunod namang ikansela ang world-famous carnival celebrations sa Brazil hangga’t wala pang nadidiskubreng bakuna ang bansa laban sa sakit.