New Zealand, 100 Days nang COVID-Free


Auckland City in New Zealand.

Makaaraan ang isang-daang araw simula noong Mayo ay wala paring naitatalang kaso ng community transmission mula sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang bansang New Zealand kahit pa iniangat na ang lockdown restrictions dito.

Bagama’t kasalukuyang COVID-free na ang New Zealand, hindi parin dapat isawalang bahala ang pagkalat ng sakit dahil posibleng maranasan ng bansa ang second wave ng COVID-19, ayon kay Director-General of Health Dr. Ashley Bloomfield.

Samantala, may galak na inihayag ni New Zealand’s Prime Minister Jacinda Ardern ang balita ngunit aniya kinakailangan parin ang ibayong pag-iingat sa panganib na dala ng sakit sa kalusugan ng tao at pagiging handa sakaling may maitalang kaso muli sa hinaharap.

Ayon sa datos, nagkaroon lamang ng tinatayang 1,219 na kumpirmadong kaso at 22 bilang ng nasawi sa kasalukuyan ang naturang bansa mula sa paglaganap ng COVID-19 doon.