top of page

Ngipin ng Megalodon, Nahukay sa Bohol


Inanunsiyo ng National Museum Bohol ang pagkadiskubre sa fossil tooth ng isang Megalodon shark o 𝑪𝒂𝒓𝒄𝒉𝒂𝒓𝒐𝒄𝒍𝒆𝒔 𝒎𝒆𝒈𝒂𝒍𝒐𝒅𝒐𝒏, uri ng higanteng pating na nanirahan sa karagatan higit 20 milyong taon na ang nakalipas, sa Maribojoc, Bohol.

Ang ngipin na may laking 7.6 cm by 6.5 cm ay natuklasan ni Christian Gio Bangalao ang ngipin sa Brgy. Jandig at agad na ibinigay sa National Museum ng Bohol.

Ayon sa kanilang facebook post, ito na ang pangalawang fossil tooth ng Megalodon species na nahanap sa Maribojoc— ang una ay nadiskubre ni Venjo Busalla noong 2018.

Kasalukuyang nakadisplay ang ngipin, kasama ng iba pang Megalodon fossils na nahanap sa Cagayan at Pangasinan, sa National Museum of Natural History sa Maynila.

bottom of page