'Night Owls', mas Mataas ang Tsansang Pumanaw ng Maaga, Ayon sa Pananaliksik

Dahil sa COVID-19 pandemic, madaming tao ang nasira at nagbago ang sleeping pattern at naging mga 'night owl' o yaong mga nahihirapan matulog kung gabi. Pero ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik kamakailan, mas mataas ang risk ng mga 'night owl' na pumanaw ng mas bata.
Ginawa ang survey na ginawa sa Britanya sa halos 430,000 na katao, edad 38-73 sa loob ng anim at kalahating taon, at lumilitaw na mas mataas ng 10% ang risk ng mga night owl na magkaroon ng mga komplikasyon sa kalusugan gaya ng psychological disorders, diabetes, at stomach and breathing troubles kaysa sa mga 'larks' o mga morning person.
Sa resulta ng pagsusuri, lumilitaw na 10,500 sa mga respondents ang pumanaw sa loob ng 6.5 years, at napag-alamang mas marami sa mga ito ang mga night owl.
Samantala, ayon naman sa co-author ng pag-aaral na si Kristen Knutson ng Northwestern University sa Chicago, ang mga sanay na magtrabaho sa gabi ay may internal biological clock na hindi tumutugma sa kanilang kapaligiran.