top of page

NKTI, Muling Ipinagpatuloy ang Transplant Activities


Muling ipinagpatuloy ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang operasyon ng kanilang transplant activities upang mabawasan ang bilang ng mga pasyenteng kinakailangang mag-dialysis.

Ayon kay NKTI Executive Director Rose Marie Rose-Liqute, bagama’t nakakapagtala ng 15-20 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kada araw ang inilalapit sa kanilang pasilidad at umabot na rin sa full capacity ang ospital para sa paggamit ng mga pasyenteng tinamaan ng nakahahawang sakit ay nakakasiguro parin ang institusyon na kaya nilang tumanggap ng mga non-COVID cases.

Mayroon nang expanded na bed capacity para sa kaso ng COVID-19 ang NKTI at mayroon parin itong kapasidad na tumanggap ng transplant patients sa magkahiwalay na pasilidad.

Hinimok naman ng NKTI ang ilang COVID-19 referral centers na tumanggap ng mga dialysis patients dahil umabot na sa 90% ang mga pasyenteng admitted sa naturang institusyon na sumasailalim sa dialysis.

bottom of page