top of page

'No Periodical Policy', Ipatutupad ng DepEd


Pansamantalang tatanggalin ng Department of Education (DepEd) ang periodical exam ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong taon batay sa anunsyo ng kagawaran.

Ayon sa virtual press briefing na isinagawa ng kagawaran, sinabi ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio bukod sa periodical tests ay gagamitin ang mga written outputs at performance tasks bilang hakbang upang sukatin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa darating na pasukan ngayong Oktubre.

Nilinaw naman ni San Antonio na hindi obligado o bahagi ang mga pribadong paaralan sa pagpapatupad ng naturang polisiya, ngunit hinihikayat ang mga ito na sumunod sa hakbangin ng kagawaran upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.

bottom of page