top of page

NZ Embassy, Nagdonate sa QC Hospital dahil sa Dalawang Pinoy Senior High Students


Nagbigay ng P800,000 ang New Zealand Embassy sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City bilang tulong pinansiyal sa pagbili nito ng karagdagang personal protective equipment para sa mga healthcare workers at frontliners.

Ayon kay New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell, nahabag siya ng matanggap ang sulat ng dalawang Grade 11 students ng Everest Academy, na sina Santino at Lorenzo, tungkol sa kakulangan ng medical equipment at supplies sa NKTI.

Nagpasalamat naman NKTI Executive Director Dr. Rose Liquete sa New Zealand Embassy at sinabing naubos na ang resources ng ospital dahil sa pandemiya at hindi nila inakala ang biglaang taas ng demand sa paggamit ng PPEs.

Sinabi naman ni Kell na mayroon pang ibang mas malaking proyekto ang hinahanda ng embahada upang matulungan ang Pilipinas sa laban nito kontra COVID-19.

bottom of page