Obese o Sobrang Taba, Maaaring Maging Sanhi ng Malalang Sintomas ng COVID-19

Maaring mas mapanganib o mas malala ang sintomas ng isang pasyenteng mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung ito’y nakararanas ng sobrang katabaan o obesity, ayon kay Dr. Mia Fojas, isang endocrinologist.
Dahil sa sobrang katabaan ng isang COVID-19 patients, maaring mahirapan ang pagdaloy ng hangin sa kanyang katawan at pwedeng makaapekto ang mga obesity-related illnesses gaya ng obstructive sleep apnea o kaya asthma na posibleng magpalala sa kalagayan nito.
Ani Fojas, mahirap gamutin ang isang obese na COVID-19 patient at maaaring mas lalong lumala ang sintomas ng isang pasyente kung mayroon din itong chronic condition na kalimitang nararansan ng mga taong obese tulad ng hypertension o hindi kaya’y diabetes.
Pinalalahanan naman ni Fojas na panatilihin ang maayos na diyeta, pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-iingat sa kalusugan sa kabila ng kaliwa’t kanang lockdown sa buong bansa.