OFWs Protektado ng PNP Laban sa Diskriminasyon
Tiniyak ng Philippine National Police na walang dapat ikabahala ang mga papabalik na Overseas Filipino Workers (OFW) bansa. Sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Chief Lieutenant General Guillermo Eleazar na walang rason para mangamba ang mga local officials sa mga papabalik na overseas Filipino workers (OFW) dahil nabigyan na sila ng clearance na makabalik sa kani-kanilang mga tahanan. Dagdag pa ni Eleazar na sisiguruhin ng kaniyang grupo na walang OFW ang madidiscriminate at papayagan ang mga ito na makapasok sa kanilang mga hometown. Base sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Gamboa sa Kapulisan na protektahan ang mga nagbabalik na Filipino workers laban sa diskriminasyon.
