top of page

OFWs, Pwede Nang Umalis ng Pilipinas sa Ilalim ng GCQ

Pinapayagan na ng Pihilippine government ang mga bagong tanggap na overseas Filipino workers na lumabas ng bansa sa pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) maliban sa Metro Manila, Cebu, at Laguna na kasalukuyang nakasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa ika-31 ng Mayo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pwede nang umalis ng bansa ang mga OFWs na mayroong execution of declaration na nagsasaad ng kanilang kaalaman at pag-unawa sa panganib na pwede nilang kaharapin sa paglipad.

Gayunpaman, dinagdag ni Roque na hindi kabilang dito ang mga healthcare professionals at sinususpende pa rin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang kanilang deployment hanggang sa maalis na sa state of emergency ang Pilipinas.



bottom of page