• Estephany Rivera

Oil Spill sa Guimaras, Matagumpay na Naialis sa Clearing Operation ng NFC


Contributed photo.

Inanunsyo ng Naval Forces Central (NFC) ang matagumpay na recovery sa clearing operation ng NFC at Coast Guard sa oil spill ng AC Energy na kumalat sa katubigan ng Iloilo sa isla ng Guimaras.

Sa pahayag na inilabas ng NFC, isang response team na binubuo ng Naval Reserve Center-Western Visayas (NRCen-WV), Naval Task Group Commander Captain Stephen Tuballa, at Coast Guard Iloilo ang nagsala ng oil spill mula sa Guimaras Straits at dalampasigan ng Leganes at Dumangas.

Sinabi ng NFC na gagawin ng Navy, PCG at iba pang LGUs ang lahat ng kanilang makakaya para sa decontamination at restoration ng karagatan ng Iloilo at Guimaras, at tulungan ang mga apektadong pamilyang umaasa sa karagatan.

Dagdag pa ng NFC na magsasagawa na sila ng coastal clean-up ng Guimaras sa tulong ng Philippine Navy at local government units ng Guimaras.