top of page

Olympics 2021, Malabo parin Ayon sa Isang Japanese Expert

Updated: Apr 24, 2020

Ipinarating ni Japanese Virus Expert at Infectious Diseases Professor

Kentaro Iwata ang kaniyang “pessimism” hinggil sa pagdaraos ng Tokyo Olympics na

ipinagpaliban sa susunod na taon 2021.

Sinabi ni Iwata na kahit makontrol ng Japan ang outbreak sa bansa, walang

Garantiya na nasa parehong kalagayan ang ibang competing countries.

Iminungkahi ng eksperto ang pag-hohost ng patimpalak indoors at pagbabago ng format

ng kompetisyon tulad ng pagbabawas o paglilimita sa bilang ng mga kalahok.

Siniguro naman ng International Olympic Committee na wala silang balak baguhin ang

istraktura ng Olympics at patuloy nilang susundan ang prinsipyong siguraduhin ang

kaligtasan ng mga atleta.


bottom of page