'One Piece’ Copyright, Pansamantalang Inalis Upang Makapagbenta ng Artwork ang Fans

Pansamantalang binawi ng One Piece author na si Eiichiro Oda ang copyright ng sikat na manga-anime series upang matulungan ang mga taga-hanga nitong makapagbenta ng artworks nang legal.
Sa tweet na inilabas ng One Piece official Twitter account, sinabi ni Oda na iuurong niya ang copyright ng isang taon at ang makukuhang pera sa mga mabebentang artwork ay makukuha ng buo ng mga gumawa nito.
Ang mga kondisyon lamang ng manga artist ay ang ibebentang artwork ay orihinal at sariling-gawa, at ang bentahan ay magaganap sa mobile messaging platform na LINE.
Apat na Tsinong naninirahan sa Japan, noong 2015, ang inaresto dahil sa ilegal na paggamit at pamimirata ng One Piece.