• Tj Ovivir

Online Bank para sa OFWs, Sinimulan na ng Land Bank


Contributed Photo.

Para maging mas kumbinyente at ligtas ang online bank transactions, inaasahan ng Overseas Filipino Bank (OFBank) na magkaroon ng nasa mahigit 2,000 applicants ang kanilang mobile banking platform, na mayroon lamang isang physical branch sa bansa.

Sa ilalim ng Land Bank of the Philippines, magiging accessible ang OFBank online at gumagamit ito ng artificial inteligence o Dobsai kung saan kailangan lamang ang isang selfie upang makumpirma ang identity ng kliyenteng Pilipino na nakatira o nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Land Bank president and chief Cecilia C. Borromeo, walang minimum initial deposit at monthly average daily balance ang OFBank.

Para makatanggap naman ng interes, kailangan lamang ng isang account ang P500 daily balance.