Online Barter, Ipagbabawal ng DTI

Nang magsimula ang community quarantine sa iba't ibang bahagi ng bansa, naging popular ang modern-day barter, pero kinondena ito ng Department of Trade Industry (DTI) at sinabing dapat na magpataw ng buwis sa mga produktong sangkot sa sistemang ito.
Ayon sa pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi makatuwirang gamitin ng mga mauunlad na lungsod ang ganitong kalakaran na ginamit, libo-libong taon na ang nakakalipas at na pinapayagan lamang ang iilang rural communities sa bansa gaya ng Sulu at Tawi-Tawi na gamitin ito, sang-ayon sa Executive Order 64.
Magkakaroon ng composite team mula sa DTI at Philippine National Police upang mag-imbestiga sa ilegal na gawaing ito, pero hindi pa malinaw kung papaano ang magiging kaayusan sa pagbubuwis sa mga barter products.
Samantala, hindi naman sang ayon ang ilang netizens sa pahayag ni Lopez at sinabi nilang malaking tulong ang barter upang makakuha ng mga kinakailangang produkto ng hindi gumagamit ng salapi, dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.