top of page

Online Child Sexual Exploitation Naging Triple sa Ilalim ng Quarantine sa Bansa

Bumuhos ng kaliwa’t kanang reklamo ng online child sexual exploitation na tumaas sa 264.4% ng kaso o triple kumpara noong nakaraang taon makalipas ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ito ang naitalang datos ng National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC).

Ayon sa Department of Justice of Cybercrime, nakatanggap sila ng 276,166 kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng pagsasamatala sa mga bata noong March 1 hanggang May 24, 2020 nang masailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine mula sa NCMEC.

Nilinaw naman ng DOJ na hindi lahat ng kabuuang bilang ng naitalang kaso NCMEC ay mga actual cases ng sexual child exploitation dahil may mga inaccurate reports mula sa non-profit organization ngunit higit na mas mataas ito kumpara sa mga naitalang kaso noong nakaraang taon na umabot lamang sa 76,561.



bottom of page