Online Graduation Gamit ang Robot Isinagawa sa Eskwelahan sa Taguig

Isinagawa ng science high school sa Taguig sa modernong paraan ang naging graduation march ng mga estudyante doon gamit ang mga robots na mismong gawa rin ng mga estudyante.

Naging posible ang pagtanggap ng kanilang mga diploma nang hindi na kinakailangan pa ang pisikal na presensya ng mga ito.

Noong biyernes naganap ang online graduation rites ng 179 na mag-aaral mula sa Senator Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science and Technology High School, sa pamamagitan ng mga robots na nakabihis ng toga ay matagumpay ang naging seremonya ng paaralan para tanggapin ng mga estudyante ang kanilang diploma kasama ang kanilang mga magulang.

Habang tinatawag ang pangalan ng mga estudyante, kasabay nito ang live videos ng mga graduates na nakapwesto sa ulo ng robot habang ang mga footage naman ng kanilang mga magulang ay ipinakikita sa LED screen sa stage ng paaralan.

Ang mga nasabing robots ay dinisenyo ng mga mag-aaral na miyembro ng Taguig Robotics Team na nag-uwi ng medalya mula sa international robotics competition.