top of page

Online Graduation Rites, Pinag-aaralan ng DepEd

Updated: Apr 24, 2020

Ikinokonsidera ng Department of Education (DepED) ang pagsasagawa ng online graduation rites.

Ito’y Bunsod ng umiiral ngayon na Enhanced Community Quarantine dahil parin sa COVID-19 pandemic sa bansa,

Ayon kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, may mungkahi silang natanggap mula sa mga eskwelahan o divisions na kung maari ay magsagawa na lamang ng e- graduation dahil sa panahon ngayon ay hindi pwedeng gawin ang nakagawiang seremonya.

Aniya pa, kung sakaling matapos ang ECQ ay mayroon paring tagubilin ang Department of Health (DOH) sa mga mass gatherings kaya hindi malayong mangyari ang nasabing panukala ng kagawaran.

Tiniyak naman ni Usec. Malaluan na matatanggap parin ng mga estudyante ang kanilang mga certificates at school records.




bottom of page