Online Marketplace Inilunsad ng USAID Para sa mga Pilipinong Mangingisda
Naglunsad ang United States Agency for International Development (USAID) ng ‘Fish Tiangge,’ isang online marketplace para sa mga Pilipinong mangingisda para matulungang kumita ang mga ito sa kabila ng restrictions na ipinatutupad ng gobyerno dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.
Layunin ng ‘Fish Tiangge’ na iugnay ang ibinebentang fish supply sa 6,000 mangingisda na direktang aabot sa 300,000 kabahayan sa South Negros, Visayan Sea sa Visayas region, at Calamianes Group of Islands sa Palawan.
Samantala, magsisilbing taga-deliver naman ang mga pedicab driver sa mga kabahayan.
Nauna nang inilunsad ng Silliman University sa Dumaguete ang nasabing online platform noong Abril.
