top of page

Online Sabong, Bawal pa rin Paalala ng Palasyo


Ipinaubaya na ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang desisyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases hinggil sa pagsasagawa ng online cockfighting o ‘sabong’.

Sa isang press briefing, sinabi ni Roque na kailangan munang humingi ng permiso ng stakeholder’s ng online sabong sa IATF at idiniin na bawal pa rin ang naturang palaro sa ilalim ng community quarantine guidelines.

Batay sa IATF Resolution No. 56, ang sabong, cockpits, at anumang establisiyemento na ang main business ay pagseserve ng alak ay bawal sa lahat ng quarantine classifications.

Isinulong naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na payagan na ang mga online events sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) basta masusundan ang tamang social distancing.

Iminungkahi rin ni Roque na sumulat muna ang grupo sa IATF upang makahingi ng permisong isagawa ang online sabong.

bottom of page