Online Shopping Sales sa South Korea, Tumaas ng Mahigit 190%!

Dahil sa mga mapanganib na panahon ng COVID-19 pandemic, isang magandang balita naman para sa mga online entrepreneurs ang pagtaas ng online shopping sales sa bansang South Korea.
Ayon sa datos ng Statistics Korea, kumita ng halos 12.58 trillion won o $10.16 billion ang online businesses ngayong Marso 2020, 191.8% na mas mataas kumpara sa mga nakaraang sales sa loob ng limang taon.
Nagbukas ito ng pagkakaton sa mga lokal na magsasaka at manggagawa na magkaroon pa rin ng hanap-buhay sa kabila ng mahihirap na sitwasyon, dahil sa napakalawak na offerings ng mga online shops sa korea gaya ng pagkain, at mga agricultural products.
Samantala, sinabi naman ng isang opisyal sa Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs na mas naging patok ang online shopping dahil sa convenience na dala nito at sa maraming produktong mapagpipilian mula sa mga online department stores.