Operasyon ng Pasig River Ferry Service, Nananatili Paring Suspendido

Suspendido parin ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) matapos ang naiwang pinsala ng nagdaang bagyong “Ulysses” na labis nakaapekto sa ilang istasyon ng naturang ferry service.
Ayon sa abisong inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyo sa ilang bahagi ng Luzon ay nasira ang “pontoon” na siyang nagsisilbing “docking platform” ng mga bumabiyaheng ferry boats ng bawat istasyon sa Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Pinagbuhatan, at San Joaquin makaaran ang hagupit ng bagyong Ulysses.
Dagdag ng MMDA, ang isinagawang pagpapatigil ng operasyon ng PRFS ay isa sa mga hakbang ng ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa kabila ng nagdaang unos.