Operasyon ng Public Transport sa Ilalim ng MECQ, Suspendido Parin!

Hindi parin papayagan ang mga pampublikong sasakyan gaya ng train system, bus, jeepney, taxi at TNVS na magbalik operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng modified community quarantine dahil itinuturing parin itong ‘high risk’ sa nakahahawang COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman kabilang ang mga company shuttle sa mga industriyang papayagang magbukas sakaling ipatupad na ang MECQ.

Nilinaw ni Roque, 100% “stay at home” ang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ at MECQ gaya ng Metro Manila, Laguna at Cebu City na mataas ang panganib sa pagkahawa ng coronavirus disease.

Samantala, 100% “stay at home” naman ang mga delikado ang kalusugan gaya ng mga senior citizen at teenagers sa mga lugar na nasa general community quarantine.