Otoridad sa Davao, Pinagdadala ng One-Meter Stick para sa Pagpapatupad ng Physical Distancing


Mayor Sara Duterte of Davao City. Photo from Facebook.

Inatasan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga police officers na gamitin ang one-meter sticks bilang hakbang ng city government upang mas paigtingin pa ang pagpapatupad ng physical distancing sa mga pampublikong lugar kontra COVID-19.

Malayo man ang meter sticks sa karaniwang dala-dala ng mga otoridad sa Davao City ngunit isa ito sa pinaniniwalaang pinakamabisang paraan ng lungsod upang sumunod ang mga tao sa health protocol ng pamahalaan.

Ani Mayor Duterte, kinakailangang bigyang-diin sa mga residente aniya na ang pagsusuot ng mask, pagsunod sa social distancing at pagdadala ng alcohol ay hindi dapat isinasaalang-alang sa panahon ngayon upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Dagdag ng alkalde, saan man mapunta ang mga otoridad ay kinakailangang lagi nilang dala ang mga naturang meter sticks sakaling may lumabag sa panuntunan.