• Tj Ovivir

Outsourcing mula sa mga Pilipino, Malaking Tulong para sa Construction Industry ng Bansa



Ipinahayag ng Department of Trade and Industry (DTI), malaki ang maitutulong ng Engineering Service Outsourcing (ESO) sa muling pagbangon ng construction industry sa bansa.

Ang ESO ay pangungunahan ng Construction Industry Authority of the Philippines at ng Philippine Overseas Construction Board (POCB), dahil ito daw ang bagong pamamaraan ng pagkakaroon ng construction opportunities sa ilalim ng new normal.

Ayon din kay Trade Undersecretary for trade promotions Abdulgani Macatoman, isa ang construction industry sa mga pangunahing pinagkukunan ng revenue sa bansa, gayundin ay may $116.08 million na share sa ekonomiya ng mundo.