• Estephany Rivera

P-POP Group SB19, Top 3 sa Billboard Charts’ Social 50


Pinatunayan na naman ng P-POP group na SB19 ang talento ng mga Pilipino nang umakyat ito sa Top 7 Emerging Artists ng Billboard Charts mula sa pwesto nila sa 22nd place noong nakaraang linggo.

Tumalon na rin sa top 3 ang grupo sa Billboard’s Social 50 pagkatapos ng halos 31 linggo nitong pananatili sa rankings.

Ang SB19 ang kauna-unahang P-POP group na nag-ensayo sa ilalim ng isang Korean Management, at sumailalim sa isang Korean-style training.

Ito ang mga pinakamataas na pwestong naabot ng Pinoy group sa Billboard Charts simula ng kanilang debut noong 2018.

Ipinarating naman ng SB19 ang kanilang paghanga sa kanilang fandom, A’tin, sa twitter at pinasalamatan ang mga ito sa walang tigil na suporta.

Samantala, nangunguna naman sa Emerging Artists ang American Rapper NLE Choppa, Singer-Songwriter Margo Price, Synthwave Band the Midnight, Singer-Songwriter Benee, at Singer JP Saxe.