P1.5 Billion, Desididong Gastusin ng Gobyerno para sa Tatlong Milyong Bakuna Kontra COVID-19

Sa pahayag ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña, nakapagpa-reserba na ang gobyerno ng tatlong milyong vaccine na nagkakahalga ng P1.5 billion sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility.
Ayon din kay dela Peña, minimum ang tatlong porsyento ng populasyon ng bansa ang kailangan bilang, pero ang 20% na reservation ay mas magkakaroon ng seguridad sa bakuna, sa oras na maging available ito.
Hindi naman sigurado ang kalihim kung kakailanganin ang isa o dalawang turok kada tao, at nagkakahalaga ang isang dose ng $10 o P500.
Siniguro din niya na ang gobyerno ang tutustos sa mga pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan may kinalaman sa bakuna kontra COVID-19.