• Tj Ovivir

P10 Billion Loan mula sa Land Bank, Layong Suportahan ang LGUs sa Panahon ng COVID-19 Pandemic


Upang mabilis na makabangon mula sa epektong hatid ng COVID-19 pandemic, magbibigay ng P10 billion-worth of loan sa mga lokal na pamahalaan ang Land Bank of the Philippines.

Sa ilalim ng Restoration and Invigoration package for a Self-sufficient Economy towards UPgrowth for LGUs (RISE UP LGUs), babahaginan ng Land Bank ang mga municipal, provincial at city governments ng loan depende sa kakailanganin ng kanilang mga proyekto at hindi lalagpas ang halaga sa net borrowing capacity ng mga ito.

Ang naturang loan ay may interes na 4.5 percent sa unang taon at magkakaroon ng taunang repricing depende sa rate ng LandBank, at may tenor na tatlong taon.