P2.1 Billion COVID-19 Fund, Inilabas ng Department of Budget
Sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Program (NDRRMP), ipinamahagi na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2.1 bilyong pondo ng gobyerno para malabanan ang corona virus disease (COVID-19).
Ayon sa datos, P1.5 billion ang napunta sa Departmen of Agriculture (DA) habang ang Department of Health (DOH) naman ay nakatanggap ng karagdagang 2020 NDREMP budget na P500 million. P100 million naman ang naibigay sa Department of National Defense (DND) na pinaghati-hatian ng iba't ibang sangay nito.
Samantala, ang P2.1 billion calamity-fund na naipamahagi ay parte lamang ng nakatalagang P7.5 billion na budget ng bansa sa ilalim ng NDRRMP.
