top of page

P2.5 Billion OFW Repatriation Fund, Itinalaga ng DFA


Contributed photo.

Upang masiguro ang kaligtasan at makakauwi sa bansa ang mga overseas Filipino workers (OWFs), gagamitin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang P2.25 billion na budget nito.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., gagamitin ang halagang ito upang tustusan ang mga flight expenses, immigration penalties, exit visa fees, at landing clearance para sa mga Philippine flights.

Siniguro din ni Locsin na may sapat na allowance ang DFA na naka-standby para sa mga emergency supply, medical supply, ng mga embassy at consulate office, gayundin para sa food at accommodation expenses ng mga OFW na naapektuhan ng pandemic.

bottom of page