• Admin

P24.7M, Ipinamahagi ng Land Bank of the Philippines sa OFWs

Dahil sa patuloy na paglaganap ng corona virus disease (COVID-19) sa buong mundo, namahagi ng cash aid ang Land Bank of the Philippines (LBP) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng naturang virus.

Pinangalanang "Abot Kamay ang Pagtulong sa OFW" ang naturang pamimigay ay napakinabangan na ng 2,468 na OFW na kasalukuyang nasa iba't ibang bansa.

Ayon din sa LBP, nasa 135,720 na OFW ang makatatanggap ng mahigit $200 na cash aid o P10,000.

Para sa mga nasa National Capital Region na OFW maari nilang makuha ang cash aid sa mga sangay ng Land Bank habang ang mga nasa ibang bansa naman ay makukuha sa mga labor office.



9 views