top of page

P30 Million Nawala sa PBA League mula ng Masuspinde ng 3 Buwan ang mga Laro


Malaki ang pasasalamat ng PBA sa pagbabalik ensayo ng mga koponan ng liga, ilang linggo matapos bigyan sila ng Inter Agency Task Force -Emerging infectious Diseases (UATF- IED) ng go signal sa balik training ng Professional league. Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na makikipausap muna siya sa darating na Lunes sa mga coach, team managers, management ng koponan, at sa PBA Governors para malaman nila kung anong protocols sa ensayo.


"Pagkatapos nun, lima hanggang pitong araw magsisimula na tayo ng pagsasanay," ani Kume Marcial.


Ipinaliwanag niya na ang aktwal na pagsisimula ng practice ay magiging sa mga teams mismo, dahil ang mga kontrata ng players ay kailangang mai-renew sa loob ng limang araw sa unang araw ng ensayo.


Tulad sa aktwal na pagpapatuloy ng Philippine Cup, sinabi ng Commissioner ng PBA na balik sila sa zero kung dapat nilang i-restart ng Setyembre.

"Ang akin siguro ay wala nang tune up, Kasi kung ano ang regular na iskedyul ng isang buong kumperensya ng All-Filipino, gagawin natin para sa kumperensyang ito kung papayagan tayo ng Task Force, dagdag niya pa.

Pinasalamatan din niya ang IATF sa pagbibigay ng go signal para sa mga practices. Inamin ni Marcial na nawalan ng 30 milyong piso ang liga mula sa pagsuspinde sa mga laro noong Marso.

bottom of page