P50,000 Ipapamahagi ng Kumpanyang Google sa Kanilang mga Empleyadong Working-From-Home

Dahil hindi pa maaaring maokupa ng 100% ang mga opisina, mamamahagi ang Google ng $1,000 o P50,000 sa kanilang mga empleyadong nasa ilalim ng work-from-home policy upang mapunan ang mga office needs ng bawat trabahador.
Sa isang e-mail ng Google CEO na si Sundar Pichai, lahat ng empleyado sa buong mundo ay bibigyan ng nasabing halaga, depende sa kung magkano ito sa kani-kanilang mga bansa.
Samantala, sinabi rin niyang magsisimula naman sa July 6 ang operation sa mga Google facilities at na magkakaroon ng weekly schedule ang mga empleyado sa pagpasok upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.