top of page

P6-Billion Humanitarian Aid para sa mga Apektado ng COVID-19, Ilulunsad ng UN sa Pilipinas


Inanunsiyo ng United Nations (UN) ang plano nitong ilunsad ang Humanitarian Country Team (HCT) COVID-19 Response Plan para sa mga Pilipinong nasa marginalized section at lubhang apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa UN, layunin ng P6-billion na proyekto na mamahagi ng critical health intervention at multi-sectoral humanitarian sa nasa 5.4 million Pinoy na naninirahan sa mga mahihirap na urban areas sa bansa. Nilalayon din ng aid plan na masiguro ang kaligtasan ng mga

kababaihan at batang babae.

Ang HCT response plan ay ang pinakamalaking humanatirian response aid ng organisayon simula nang pagsalanta ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

Nasa 50 country-based UN at non-governmental partners ang nagtulong-tulong sa pagpaplano at pagsasagawa ng HCT response plan.

Sinabi ni UN Resident Coordinator Gustavo Gonzalez na ipapatupad ang HCT sa katapusan ng taon bilang pagsuporta sa gobyerno sa pagpuksa sa virus.

bottom of page