top of page

P62-B Ayuda Nailabas ng DSWD SA 2nd Tranche



Nakapag palabas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P62.5 bilyon bilang bahagi ng second tranche ng emergency cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.


Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, umaabot sa 9.6 milyong low-income families o 69 porsiyento ng revised target na 14.1 milyong beneficiaries ang tumanggap na ng ayuda.


Nabatid na ang 9.6 milyong tumanggap ay nasa mahigit sa 1.3 milyong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mahigit sa 5 milyong low income at non-4Ps beneficiaries, at mahigit sa 3.1 milyong waitlisted families.


Siniguro naman ng DSWD na patuloy nilang sisikaping maabot ang target na matapos ang second tranche sa Agosto 15. - By Benedict Abaygar

bottom of page