Pa-raffle Draw ng Isang OFW sa Social Media, Ginawa Niyang Libangan sa Gitna ng Quarantine
Bilang pagpapakita ng pagka-bukas palad sa kabila ng mapanghamong kalagayan, nagsagawa ng raffle competition si King Jeromh Ilagan, isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa United States para sa kaniyang mga social media friends.
Sa halip na magmukmok at malungkot, pinili ni Ilagan na maging mapagbigay sa gitna ng pandemic at kung minsan, kumakanta pa nga siya ng live upang libangin ang sarili.
Si Ilagan ay isang cruise ship worker sa Amerika bago umuwi sa bansa at isinailalim sa isolation simula noong April 7.
Matapos ang magtatatlong buwan na quarantine, hanggang ngayon ay wala pa ang test results ni Jeromh at sinabing nangungulila na siya ng husto sa kaniyang pamilya.