Pabuya sa Makakalikha ng Bakuna Laban sa COVID-19, Itinaas ng P50 Million

Mula sa sampung milyon, tinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limampung milyong piso ang alok niyang pabuya para sa sinumang makakalikha ng bakuna laban sa nakamamatay na COVID-19.

Matatandaan una ng nag-alok si Pangulong Duterete ng sampung milyong piso sa makakadiskubre ng nasabing bakuna.

Sinabi pa ng Pangulo, kapag labis siyang nasiyahan sa nalikhang bakuna ay maaaring dagdagan pa niya ang pabuya hanggang isang daang milyong piso.




5 views