• Malou Manuel

Pacquiao, Handa sa Laban Anumang Oras


Photo from Instagram.com/mannypacquiao

Ibinalita ng kampo ni "Pambasang Kamao", Sen. Manny Pacquiao na handa na umano ito para muling tumungtong sa ring at hindi na kailangan ang mahabang oras upang magpalakas.


Ganito naman ang reaksyon ng kampo ni Pacquiao sa pahayag ni Top Rank Bob Arum na niluluto na nito ang bakbakan sa pagitan ni Pacquiao at ni WBO Welterweight Champion Terence Crawford.


Ayon sa head trainer na si coach Buboy Fernandez, handa si Pacman sa anumang oras kung sakali bigyan sila ng petsa para sumabak sa laban ang alaga.


Kahit pa may lockdown ay hindi huminto sa pagpapalakas si Senator Manny Pacquiao, bagkus tuloy-tuloy ang light training nito. Hindi problema ang pagpapatibay sa stamina ng boksingero sa oras na ilabas ang takdang oras ng laban.


Sa ngayon sinabi ni Fernandez, nasa kanila pa rin ang huling desisyon kung sino ang nais labanan sa ibabaw ng ring ng Pambansang Kamao.