Pag-Alaga sa Kalikasan Ipinananawagan ng DENR

Updated: Apr 24

Nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na gumawa ng hakbang ang bawat isa upang matulungang maibalik sa dating sigla ang kalikasan.

Ginawa ni Cimatu ang panawagan kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng ng ika-50 taon ng Earth Day.

Sinabi ng kalihim na ang climate change at ang nararanasang coronavirus pandemic ay nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan.

Gayunpaman, may magandang epekto aniya ang lockdown na umiiral sa bansa dahil natutulungan nitong makahinga ang kalikasan mula sa polusyon.


4 views