top of page

Pag-Develop sa Dingalan, Aurora bilang Next "Tuna Capital" Kinumpirma ng DA Chief


Kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar na pinagpa planuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture na tulungang idevelop ang munisipalidad ng Dingalan, Aurora Province para maging susunod na "Tuna Capital" kasunod ng General Santos City sa Mindanao.

Sa isang panayam sa programang Pulsong Pinoy sa Radyo Pilipino, sinabi ng kalihim na may natuklasan ang ahensiya na may malaking potensiyal ang baybayin ng probinsiya para maging sentro ng kalakalan sa pangisdaan bunsod ng napaka yaman ng kanilang karagatan sa ibat-ibang uri ng isda bukod pa sa pagiging malapit nito sa Philippine Rise o dating tinatawag na Benham Rise kung saan buhay na buhay ang biodiversity nito kayat marami ring naninirahan isda sa nasabing karagatan.

Nabatid na ang Philippine Rise ay may sukat na 13-million hectare sa ilalim ng karagatan na may inactive extinct volcano na matatagpuan sa Philippine Sea kung saan likas na matatagpuan rito ang napakaraming isda kabilang ang endangered Pacific bluefin.

Sa kasalukuyan masigla ang kalakalan sa Dingalan, Aurora kung saan may halos 300 fishing boats ang lumalayag sa baybayin at 20 commercial fishing vessels kung saan matatagpuan din sa lugar ang isang maliit pa lamang na processing facility para sa produktong tuna na nakaka gawa ng sashimi, belly, jaw (panga), at tail (buntot) para sa mga piling pamilihan.

Kamakailan lamang ng binisita ni DA-BFAR Regional Director Wilfredo Cruz ang lugar at nakita ng opisyal ang malaking potensiyal ng probinsiya kung kayat nais nitong tulungan ang fishery sector gaya ng pagpapalagay ng fish port, paglalagay ng malaking cold storage, processing facilities at pag buo ng kooperatiba ng mga mangingisda.

Ipinahayag ni Dar na kanyang ipinag utos na sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) at BFAR na magsagawa ng masusing pag aaral sa paglalagay ng fishport complex sa Dingalan, Aurora upang mapalakas ang fishery sector sa lugar. --- By: Benedict Abaygar




bottom of page