top of page

Paggamit ng Bisikleta Bilang Bahagi ng ‘New Normal’, Isinulong sa Kamara

Kasalukuyang isinusulong sa Kamara ng ilang kongresista ang ligtas na paggamit ng bisikleta bilang bahagi ng ‘new normal’ sa gitna ng kinakaharap na krisis ng buong bansa.

Ayon kay 1st District Agusan Del Norte Rep. Lawrence “Law” Fortun, mas mainam kung bisikleta ang alternatibong transportasyon ng mga tao sa ganitong sitwasyon dahil mas nakakasiguro ang kaligtasan dito at mas matipid kumpara sa paggamit ng iba pang behikulo.

Dagdag pa ni Fortun, nakatutulong din ito sa ating pangangatawan at pang-araw-araw na ehersisyo.

Matatandaang isinama ang omnibus public transport ng Department of Transportation (DOTr) at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) gaya ng paggamit sa ‘non-motorized transport’ at ‘personal mobility devices’ na papayagang umarangkada sa ilalim ng general community quarantine o GCQ.



bottom of page