Pag-swimming, Pwede na Ulit sa Boracay

Matapos ang halos tatlong buwan simula nang pagbawalan ang paglangoy sa dalampasigan ng Boracay Island sa Aklan, muli ng papayagan ang pag swimming sa isla sa paglipat ng Western Visayas sa modified general community quarantine (MGCQ) na siyang pinakamababang quarantine na pwedeng ipataw ng gobyerno.
Ayon kay Acting Malay Mayor Frolibar Bautista, nagtalaga na ang lokal na pamahalaan ng designated swimming areas at mahigpt na babantayan ang bilang ng mga lalangoy at ang pagsunod ng mga ito health measures.
Samantala, hindi pa rin papayagan ang pagpasok ng mga turista sa isla ng Boracay ngunit aalisin na ang border restrictions sa karatig probinsiya ng Iloilo, Antique, Capiz, at Guimaras.
Sinabi naman ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mananatili pa ring sarado ang mga ports at paliparan sa Western Visayas maliban sa mga papauwing overseas Filipino workers (OFWs) at stranded na residente.