Pag-uusap ng mga Pasahero sa Loob ng Tren, Ipinagbawal sa LRT 1

Ipinagbawal na ang pag-uusap at pagsasalita ng mga pasahero sa loob ng Light Rail Transit (LRT) 1 pisikal man o gamit ang telepono dahil mayroong malaking tyansa ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa mga pampublikong sasakyan gaya ng tren.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) Spokesperson Jacqueline Gorospe, dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa, hindi muna pinapayagan ang mga pasaherong magsalita o makipag-usap ngunit kung sakaling importante ang tawag mula sa telepono ay maari nila itong sagutin ngunit hindi kinakailangang ibaba o hubarin ang suot na face mask.
Wala namang ipapataw na parusa ang LMRC para sa mga lalabag sa naturang polisiya ngunit mayroong mga otoridad na mag-iikot sa istasyon upang ipaalala ang panuntunan na bawal magsalita sa loob ng tren.