Pagbabalik sa Eskwela sa Hunyo, Malabo Na
Wala pang pinal na desisyon sa petsa ng pagbubukas-klase. Gayunman nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi maaaring magbukas ng klase ang mga paaralan sa Hunyo dahil sa panganib na dala ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa bansa. Ayon kay Roque, hindi pa naglalabas ng desisyon ang Department of Education (DepEd) sa mungkahing pagbabalik-eskwela sa Septyembre at wala din naman aniyang physical classes na magaganap bilang precautionary measure laban sa COVID. Dagdag pa ni Roque na pwede ring tapusin ng mga kolehiyo at unibersidad sa mga general community quarantine areas ang academic school year subalit pinayuhan ang mga ito na i-consider ang alternative learning methods.
