• Malou Manuel

Pagbabalik sa PBA ni Abueva, Binawi


Photo from PBA.

Binawi ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagbabalik ni Calvin Abueva sa paglaro sa 45th Season ng PBA Philippine Cup.

Nagkausap na si Kume Marcial at ang Phoenix LPG Fuel Master player hingil sa pag bawi na hindi muna ito makakabalik para nakasama sa ensayo ng kanyang team.

May isa pang proseso na dapat gawin ang tubong Angeles Pampanga na si Calvin at kinakailangan niyang makipag usap sa Games Amusement Board, para sa kanyang lsensiya.

Sinabi ni GAB Chairman Baham Mitra na bilang kaibigan na pakikipag usap lang umano ang mangyayari kapag pumasyal si D’ Beast sa tanggapan ng GAB sa Makati.

Dapat mangako ang NCAA MVP ng San Sebastian College na hindi na muling mangyayari ang kaguluhang na dahilan kung bakit nagkaroon siya ng indefinite suspension.

Kapag maayos naman ang pakikipag usap ni Calvin sa dalawang Board ng GAB at kay Chairman Mitra ay ire- renew nila lisensiya ng player.