top of page

Pagbabawal sa Child Marriage, Isinabatas na sa Pennsylvania, USA

Tuluyan ng ipinagbawal sa Pennsylvania, USA ang child marriage matapos pirmahan ni Governor Tom Wolf ang bill na nagtatakda sa 18 taong gulang bilang minimum age sa pagkuha ng marriage license.

Pangatlo pa lamang ang Pennsylvania, sumunod sa Delaware at New Jersey, sa 50 estado ng America na nagbabawal sa child marriage.

Ayon sa dating batas ng estado, ang mga batang edad 16 at pababa ay maaaring ikasal kung mayroon silang court approval, samantalang ang mga edad 16 hanggang 18 naman ay pwede rin magpakasal basta may consent ng kanilang magulang.

Sa tala ng Unchained at Last, isang organisasyon na nagtataguyod sa pagsugpo ng forced at child marriage, nasa 248,000 na bata ang ikinasal sa US mula 2000 hanggang 2010 at karamihan dito ay mga batang babae.



bottom of page